Geraldine's Point of View* Napatingin ako kay Rafayel na inosenteng nakangiti sa akin nung tingnan ko siya. Ang weird huh? Impossible na siya ang gumawa nito at wala din namang mga gwardya dito. Napatingin ako kay Mike na wala pa ding emosyong nakatingin sa akin. Naningkit naman ang mga mata ko at mas lalo niyang kinakunot noo. "What are you doing?" "Mauna ka na lang kaya? Susunod naman ako eh." Tinaasan naman niya ako ng isang kilay na kinapout ko. Ano ba yan oh. Tumakbo na ako papunta sa kanya at nung nakaharap ko na siya ay pinitik niya ang noo ko. "Aray!" "Ganyan ba ang asta ng isang katulong?" "Ganyan din ba ang asta ng isang Amo?" balik tanong ko sa kanya at pipitikin sana niya ang noo ko kaya pumikit na lang ako pero naramdaman ko na hindi niya ginawa kaya dahan-dahan akong