Geraldine's Point of View* Nakatingin ako ngayon sa pulis na kumakausap sa akin ngayon. Isa na talaga at babatukan ko ito. Epal eh. Parang in interrogation na ako ngayon ha. Napatingin naman ako kay Mike at dahan-dahan akong lumapit sa kanya habang nanginginig at may luha na sa mga mata ko na nagsasabi na wag niyo na akong tanungin. "Nakita niya ang sasakyan nila Mr. Muller kaya nagmamadali siyang tumakbo papunta doon habang nakikipaglaban ako sa kidnapper kanina." Nakahinga naman ako ng maluwag nung sinabi ni Aldren sa pulis ang bagay na yun. Pero in acting mode pa din akong nakakapit kay Mike. "Master, gusto ko na pong umuwi. Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari sa akin sana di na lang ako bumalik at sana dumiretso na lang ako pauwi sa bukid." Napakamao naman si Mike dahil s

