Geraldine's Point of View* Habang nasa kwarto ako ay nagbibihis ako ng damit para maging si Girlie ako at nakikita ko sa television ang pangingidnap ng mga dalagang babae gamit ang pampasaherong taxi at dinadala sa isang kagubatan. "Hmm... Delikado na talaga ang panahon ngayon." 'Ngayong buwan may 7 victims na ang nireport sa iisang city lang sa panggagahasa habang sakay sa isang taxi.' Natigilan ako sa sinabi ng reporter sa television. "Sarap putulan ng sandata ha." Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa higaan at tiningnan ko ang case at mukhang same taxi number nga. Mahuli na sana ang mga ganitong tao. Tinawagan ko ang kaibigan kong humawak sa kasong ito. "Hello, besh," agad na bungad ko sa kanila. Yan kasi ang signature endearment ko sa kanila pag nasa mission sila. "

