Geraldine's Point of View* Kailangan ko munang magpahinga ngayon kasi bukas ako papasok sa school. Nakarating kami sa isang kwarto na exclusive sa amin ni Mike. Hindi ko alam na may kwarto na pala kaming dalawa dito. Nakahawak ako sa braso ni Dad habang naglalakad. Ihahatid kasi niya ako sa kwarto namin. Naintindihan naman ni Mike na nagpapa-baby ako sa daddy ko dahil nga sa panaginip ko. "Princess..." Napatingin naman ako kay dad na nakatingin sa akin. "Bakit, dad?" "Alam mo na-miss ko ang pagiging baby mo sa akin." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Actually si Mom ang dragon sa amin at kay dad agad akong tumatakbo. Daddy's girl kung baga. "Daddy, baby mo pa rin naman ako. Miss na miss na kasi kita." Napangiti naman ito. Masaya ako dahil nandidito ang dalawang lalaki na import

