Geraldine's Point of View* Hinatid na namin ang dad ni Mike sa sasakyan dahil aalis na siya. Magkatabi kami ni Mike ngayon at nakikita ko na tahimik lang siya kanina pa. Pinagalitan siguro? Deserve tsk. "Daughter." Napatingin ako sa Dad ni Mike na lumapit sa akin at hinawakan niya ang kamay ko ngayon na kinatingin ko sa kanya. "Please, sana pagbigyan mo ko sa sinabi ko kanina. Alam mo naman na hindi na ako bumabata." Natigilan naman ako. Ang mean niya ay ang bigyan namin siya ng apo. Napangiti ako sa kanya. "Pag-iisipan ko po." "Darling... fine." Pinat niya ang ulo ko at napatingin naman siya sa anak niya na nasa tabi ko. "Humanda ka talaga sa akin kung di mo pa maayos ang bagay na ito. Hahanapan ko talaga siya lalaking para sa kanya. Alam mo naman na may mga pinsan ka pa na mas

