Geraldine's Point Of View* Tiningnan ko siya sa mga mata niya at ngumiti ako at dahan-dahan na napatango. "Mauna na po kayo sa loob kasi may hinihintay pa kami." Dahan-dahan naman silang napatango at pumasok na sila at napabuntong hininga na lang kami at hinila ko si Aldren papunta sa unahan. "Wag na wag mong lalapitan ang mga taong yun. Naintindihan mo?" Nagtataka naman siyang napatingin sa akin. "Bakit naman? Anong meron?" "Basta..." "Ano nga? Para malaman ko kung sino sila." "Master yun ng mga assassins." Natahimik naman siya bigla at napalunok. "Uwi na tayo." Natawa naman ako sa sinabi niya sa akin. "Mukhang ganun na nga. Party na lang tayo sa club?" "Hmm... Mukhang bet ko yun." Napangiti kami sabay tanguan at hinawakan ko ang braso niya at lalakad sana kami nang biglan

