Geraldine's Point of View* Magkadikit pa din ang mga labi namin at naramdaman ko din ang kamay niya sa bewang ko lalo na din sa batok at dahan-dahan namang umakyat ang kamay ko sa batok niya. Hanggang sa dahan-dahan na kaming naghiwalay ng halik at dinikit niya ang noo niya sa akin. "Yan ang gusto kong marinig sayo pa man noon pa man, my wife." Napatingin ako sa mga mata niya habang sinasabi niya iyon. Damn, nakaamin ako sa kanya ng wala sa oras. "W-Wala kang narinig..." Nakapikit ako at ang init ng mukha ko ngayon at narinig ko ang mahinang tawag ni Mike ngayon at niyakap niya ako at pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya. "I love you too, wife. I'm so happy dahil sa wakas inamin mo na ang nararamdaman mo sa akin." Napatingin naman ako sa kanya at nakikita ko na sobrang s

