Geraldine's Point of View* Magkaiba kami ng sasakyan ngayon ni Mike. Nakasakay kasi siya sa sasakyan ng emperor. Basta malaki yun na sasakyan na pwede ka ng matulog sa loob. Gusto nga niya na doon ako pasakayin pero hindi pa din ako pumayag. Magkasama kami ni Jane dito sa isang sasakyan habang sila naman ni Rafayel ang magkasabay doon. "Okay lang ba na tayo ang magkasama imbes na si Rafayel ang kasama mo?" Napatingin naman si Jane sa akin at nanlalaki ang mga mata niya dahil sa tanong ko. "M-Milady, wag niyo pong iisipin na mas pinili ko po ang lalaking iyon kaysa inyo. Ikaw pa din ang pipiliin ko po!" Mahina na lang akong natawa dahil sa sinabi niya. "Hindi yun ang mean ko. Ang ibig kong sabihin na ayos lang ba sayo na kasama mo muna ako ngayon sa sasakyan at doon muna si Ra

