Geraldine's Point of View* Nakangiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa na naglalaban sa gitna ng gym at maraming mga tao ang naghihiyawan dahil mukhang kilalang kilala na silang dalawa dito. Nakikita ko na totoo talaga silang naglalabanan at may mga nagpupustahan pa sa kanila. "Ikaw ba ang dahilan kung bakit nag-aaway ang dalawa?" Napatingin naman ako sa gilid ko na nagsalita. At naramdaman ko din ang matalim na bagay na nasa leeg ko. "What do you mean?" inosenteng tanong ko sa kanya at naramdaman ko na hindi lang siya nag-iisa dahil marami sila. Nakikita ko na mga assassins sila. So it means may mga assassins na traidor talaga sa pamilya namin. "Ehh.... hindi ko naman kagustuhan na magalit sila sa akin. Kagustuhan naman nila ang bagay na yan." Siningkitan ko siya ng tingin

