Geraldine's Point of View* Nakatingin ako ngayon sa harapan ng full body mirror habang sout ko ngayon ang uniform ng mga katulong nila. Napangiti ako at napaikot sa salamin. "Okay!" Nagulat ang apat na kasamahan ko sa sigaw ko na kinatingin ko sa kanila at nagpeace sign na lang ako sa kanila. "Excited ka na, Girlie." Napatingin naman ako sa naging friend ko sa Apat na ito at siya si Jane. Katulad ko siya na taga bukid din at nag-apply bilang katulong dito. Hindi kagaya nung tatlo na may experience kaya ganyan kataas ang tingin sa sarili na parang dinaig pa ang madame eh. "Of course naman lalo na't gusto kong malibot ang boung bahay. Ang gaganda ng mga designs at syempre gwapo din si Master." Napatingin naman silang apat sa akin. "Girlie, alam mo naman diba na bawal yun. Mapapaali