Geraldine's Point of View* Hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos niya ito na kinatingin ko sa mga mata niya. Teka may sapi ba ang isang ito? Pa-iba iba ng mode eh. Iniinis ako nito kanina dahil di ako papakainin ng sweets at ngayon ay naging switch to dream boy na naman siya. Napatingin naman ako kay Rafayel at nag-sign sa kanya kung ano ang nangyayari sa bestfriend niya. 'Sinapian ba ang bff mo?' Nakita ko na nakangiti lang siya at kumindat sa akin. Teka ano na naman ang sinabi niya sa lalaking ito? "Don't look at other men. Focus your attention only on me, wife." Uminit naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya at napalunok ako dahil nakikita ko sa mga mata niya ang selos. Bakit ka nagseselos? Ano ba ang sinabi ng lalaking yun sayo? 'He's possessive of whatever he owns.' Naalal

