Geraldine's Point of View* Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa kanya ngayon. "Kung Asawa kita ay ano ang pangalan mo?" Tinulak ko ang noo niya palayo sa mukha ko at tiningnan ko siya. Nakita ko na nalungkot ang mukha niya habang nakatingin sa akin at dahan-dahan naman niya akong binitawan. "Mamaya ko na sasabihin ang pangalan ko. Yung ikaw mismo ang magsasabi sa akin. Sa unang kita natin ay ikaw mismo ang unang tumawag sa akin noon." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "What?" Nakita ko na umatras siya ng isang beses na kinakirot ng puso ko. Bakit ganito ang nangyayari sa puso ko ngayon? Hindi naman ganito ang nararamdaman ko diba sa taong ngayon ko lang nakita. "Manang." Napatingin naman ako sa isang matanda na lumabas at yumuko naman siya bago tumingin sa aki

