Geraldine's Point of View* Umiinom ako ngayon ng juice habang nakatingin kay Jane na naiilang na nakatingin sa akin. "M-Milady, kumalma na po ba kayo?" Di ako nagsalita at nakatingin lang ako sa kanya. "Milady..." "Na-in love ka ba?" Natigilan naman siya sa sinabi ko at nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Inilagay niya sa bag niya ang phone niya at napalunok. Nakita ko kasi siya kanina na parang may hinihintay sa phone niya na message o ano at nakikita ko din ang inis sa mukha niya ngayon. "Tell me, Jane." "Hindi po kami." Tinaasan ko siya ng kilay habang nakatingin sa kanya. "I mean, he loves me pero binabalewala ko lang siya sa araw-araw na pangliligaw niya sa akin." "And then?" Napayuko naman siya at mukhang alam ko na ang sagot sa problema niya. "Ngayon sum

