Geraldine's Point of View* Nagsign siya na mag-usap kami at dahan-dahan akong tumango. "Hubby, Daddy, punta muna ako sa kwarto. May naiwan kasi ako." Napatingin naman silang dalawa sa akin. "Samahan mo na ang Asawa mo, Michael." "Ah! Wag na po. Kaya ko na po ang sarili ko. Hubby, dito ka na lang okay? Samahan mo si Dad." Dahan-dahan niya akong niyakap at inilapit niya ang mukha niya sa leeg ko. At ramdam ko din ang mahigpit na yakap niya sa bewang ko. "Bumalik ka agad." "Oo naman. Ayokong mawala ka ng matagal sa paningin ko eh." Dahan-dahan naman siyang tumango at humiwalay na ako sa kanya at lumakad na ako papasok ng mansion. Kinuha ko ang phone ko at pinindot ko ang location ko kaya agad akong naglakad papunta sa likod ng mansion na walang nakakakita. Napabuntong hininga na l

