3rd Person's Point of View* Nakatingin lang ang assassin kina Gerry at naghihintay na matulog ang Asawa nito para matuloy na niya ang pagpatay kay Mike. Hindi naman niya binigyang pansin ang Asawa hanggang sa tumayo ito at akala niya na isisira lang nito ang kurtina nang isang iglap ay sakal sakal siya ngayon ni Gerry at dahan-dahan na nakatingin ngayon si Gerry sa mga mata niya na kinalaki ng mga mata niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang i-rereact niya ngayon sa position nila at ramdam niya ang sakit sa pagkakasakal nito sa leeg nito na parang isang iglap ay babaliin nito ang leeg nito at hindi din pangkaraniwang ang kakayahan ni Gerry na di niya inaasahan sa maliit na katawan nito. "Anong kailangan mo dito sa Asawa ko? Hmm?" kalma pero may pagbabantang ani ni Gerry sa kanya.

