AZAZEL ERIS ROSS __ Mabilis kong hinawi ang mga hanger sa closet para maghanap ng damit na isusuot. I could just grab any pero napansin kong tila nabawasan ang mga iyon. Nakailang hawi pa ako sa hanger bago ko ma-realize na nawawala ang mga see-through at mesh long sleeves ko roon. I baffled for a while, but I also thought of Samel. Pinakailaman niya ba ang mga damit ko? I slightly tilted my head at kumuha na lang ng kahit ano roon dahil late na late na ako. Binilisan ko na ang pagbibihis at halos takbuhin ko na ang pinto para magsuot ng sapatos. Pinikit ko agad ang mga mata ko nang makaupo ako sa backseat at napahawak sa batok ko. "Gosh... my whole body hurts." Mukhang kailangan ko nang bumawi sa physical exercise on the weekend. How could he even wake up early after all that? Natul