SAMEL LEANDRO MONTEALTO __ "Psst, ikaw 'yung maangas noong nakaraan, hindi ba?" tanong sa akin ng tambay sa iskinita. Wala akong planong pansinin ito pero humarang pa ang mga kasamahan niya sa harapan ko. "Maangas ka talaga, huh? Kilala mo ba kami rito? Alam mo ba ginagawa namin dito sa mga baguhan?" "Ganda niyang relo mo. Mukhang mamahalin. Akin na." Tiningnan ko lang ito. Halos nakahubad silang lahat at pare-parehas silang mga mukhang hindi naliligo. Mahinang tumawa ang isa sa mga ito. "Nagmamatigas talaga. Ano, Boss? Sample-an na ba 'to?" Tumango ang lalaki kanina na tila signal sa mga ito. Akmang hahawakan ako pero tinulak ko ito palayo. His ego couldn't handle that at sinugod ako ng suntok. In just an instant, naging magulo ang lahat. Sumugod sa akin ang mga ito at lalo akon