AZAZEL ERIS ROSS __ Napadaing ako habang nilalagyan ko ng gamot ang sugat ko sa magkabilang siko at braso. May mga gasgas din ako sa tagiliran at malaking pasa. Mayroon ding malaking sugat sa tuhod at binti. I had to be gentle dahil masakit ang mga iyon pero nagmadali pa rin ako dahil late na naman ako. "Okay ka lang?" tanong sa akin ni Keensly nang mapansing tahimik ako sa biyahe. "I'm just... a little bit tired." "Take a break. You don't really have to work hard." Hindi ako sumagot. I loved having a conversation with him pero pakiramdam ko wala akong energy para magsalita dahil kumikirot lang ang mga sugat ko. I didn't plan to tell him about what happened last night. Wala rin akong planong sabihin kay Lacen dahil alam kong pagagalitan niya na naman ako. "I'll try to find a shortc