SAMEL LEANDRO MONTEALTO __ Isa-isa kong pinulot ang mga papel sa sahig at inayos ang mga iyon bago ibalik sa ibabaw ng mesa niya. Sinundan ko siya sa file room. Hindi ko binuksan ang pinto hangga't naririnig ko ang pagsinghot niya malapit sa pinto. I guess I stood there for an hour bago ko iyon buksan. Nakita ko agad siya sa gilid ng pinto na nakasandal sa pader. Pinindot ko ang switch ng ilaw bago ko siya buhatin. She was already asleep at ramdam ko na mas naging mainit ang katawan niya. I saw myself carrying her when the elevator's door closed. Bumaba ang tingin ko sa ulo niyang nakasandal sa dibdib ko. May bakas pa ng luha ang pisngi niya at mas lalo siyang naging maputla. There were still people on the ground floor and I could feel them all looking at me. I didn't bother glancin