AZAZEL ERIS ROSS __ Kami lang ni Lace ang nagplanong magpunta sa palengke pero nakabuntot na sa amin ang dalawang magkapatid. Saktong kahihinto lang ng sasakyan ni Keensly sa tapat ng gate. Hinintay na naming makababa ito. "Lalabas kayo?" "Mamalengke kami. Gusto mong sumama?" nakangiting tanong sa kaniya ni Lace. "Of course," nakangiti ring sagot nito. "Sis, doon ka na sa passenger seat. Dito na ako sa backseat. Zo," Bumaling siya rito, "sumabay ka na sa Kuya mo para may magtuturo ng daan." Sinuot ko ang seatbelt ko at wala sa loob na tiningnan si Samel na nakatayo pa rin sa harap ng gate at hindi maipinta ang mukha. "Feeling ko hindi tayo makakatawad ngayon. Para tayong may mga kasamang anak ni Mayor." "Marami ba kayong bibilhin?" "Gusto ni Lorenzo ng seafood. Baka bumili kami