AZAZEL ERIS ROSS __ Sinara ko ang pinto pagkatapos kong suotin ang sapatos ko. Nasa harap pa rin ito ng gate at tila may kausap sa mobile phone. I planned to just ignore him. Tapos na siya sa kausap nang maisara ko ang gate. "Hop in. Starting now, hindi ka na niya susunduin. Sa akin ka sasabay." I raise an eyebrow. "Ayoko." Inirapan ko siya bago ako nagsimulang humakbang papunta sa gate. Ilang sandali lang, nakita ko ang sasakyan sa tabi ko at dahan-dahang bumukas ang bintana sa backseat. "Get in." I acted as if I didn't hear him. Sumunod pa rin sa akin ang sasakyan. "I said get in," muling sambit nito. Malayo-layo pa ako sa gate nang makita ko ang Mommy niya na nagjo-jogging na naman. Kumaway agad ito nang makita ako. Huminto ang sasakyan at bumaba ito. Sinundan niya ako at hin