SAMEL LEANDRO MONTEALTO __ "Oh, may isa pang pogi rito. Hulaan ko kung sino ang hinahanap mo, Hijo. Si Klarise o si Laise, ano?" "Can you call them for me?" "Siya, paakyat na rin ako sa taas. Pagpasensiyahan mo na, medyo mabagal. Nirarayuma na ako." Mahina itong tumawa bago tuluyang pumasok sa loob ng gate. Pinasok ko ang mga kamay ko sa magkabilang bulsa at tumayo sa gilid ng sasakyan habang naghihintay. Hindi pa ako gaanong nagtatagal doon nang makakita ako ng paparating na sasakyan. It was familiar to me. I knew it was Keensly's car. Huminto siya sa likod ng sasakyan ko at tumingin sa akin nang makababa. Umikot siya sa passenger seat para magbukas ng pinto. I saw that woman hop out of his car. She just looked at me and didn't give any emotion. "Susunduin mo na si Lorenzo?" My cou