SAMEL LEANDRO MONTEALTO __ "Mr. President, I'd just like to remind you na may meeting po kayo with the executives ten minutes from now," my secretary reminded me. Nagpatuloy ako sa pagpirma ng mga dokumento na kailangan bago matapos ang araw. "Nga po pala, may nagwelga na naman po sa harap ng mining office pero napaalis na po ng mga tinawagan naming pulis. Ang problema po, may na-cover ang media." "Bribe them." "Nagbigay na po ako ng order." Tinigil ko rin ang ginagawa ko nang bigyan ako ng huling notice ni Rebecca. Kompleto na ang executives sa conference room nang pumasok ako. They knew na ayoko nang nahuhuli sa usapang oras. Tumayo ang mga ito at naupo lang nang makaupo ako sa dulong swivel chair. I crossed my legs and looked at them. The meeting was important as it would be an