"Saan tayo pupunta Arkin?" Tanong niya sa asawa nang maaga siyang gisingin ng asawa kinabukasan matapos ang kanilang kasal. "Bukas pa ang alis natin pa Paris hindi ba?" Inaantok pa niyang tanong sa asawa habang nanatili pa rin siyang nakahiga sa kama nila ng hubod't hubad. Unang gabi kasi nila kagabi ng asawa matapos silang muling ikasal nito sa simbahan ng San Nicolas kung saan naging saksi ang mga kaibigan at pamilya nila sa pag-iisang dibdib nila sa ikalawang pagkakataon. Kaya naman hindi nila pinalampas ang unang gabi nila para magawa ang kanilang honeymoon, kahit araw-araw naman nag a-honeymoon sila ng asawa. "Bumangon ka na diyan tumawag si Mama at pinapupunta tayo sa bahay," tugon sa kanya ng asawa. "Bakit daw?' Tanong niya at napilitang bumangon mula sa pagkakahiga nang marinig