"For you," Vince said nang salubungin niya ang asawa sa may pintuan kasama si Arkin. Nagulat siya sa pa flower bigla ng asawa, pati nga si Arkin nagulat pa nang makita ang malaking bouquet. Wala naman kasing okasyon para bigyan siya ng bulaklak ng asawa. Actually hindi naman talaga mahilig si Vince magbigay ng mga ganito, hindi pinaparamdam ng asawa sa kanya ang pagmamahal nito gamit ang mga materyal na bagay. Basta nararamdaman niya ang pagmamahal ng asawa sa mga kinikilos at ginagawa nito para sa kanila ni Arkin. "Wow," bulalas pa ni Arkin at nagtatalon pa ang anak. "Bakit may pa flowers?" Nakangiting tanong niya sa asawa at tinanggap ang magagandang bulaklak. Agad nga niyang dinala ang mga iyon sa ilong niya para amuyin. "Wala lang naisipan ko lang na bilhan ka," tugon ng asawa na