Chapter-1 "Happy Birthday, Penny," masayang bato ng lahat na naroon sa Dela Vega Hotel kung saan ginanap ang pinaka hihintay niyang debut. Sa wakas eighteen na siya legal age. Engrandeng debut ang binigay sa kanya ng mga magulang niya, hindi nga niya inaasahan na makakayanan ng parents niya ang ganito ka bonggang debut niya. Hindi naman kasi sila mayaman na mayaman, sakto lang pero masaya sila. "Thank you, po Mommy, Daddy," pasalamat niya sa mga magulang kung hindi dahil sa mga ito hindi niya mararanasan ang ganitong debut. "You are always welcome, anak,' tugon ng Mommy niya sabay halik pa nito sa pisngi. "Basta sa aming unica hija, wala kaming hindi ibibigay,' saad naman ng Daddy niya at hinalikan din siya sa pisngi. Nag-iisang anak lang siya ng parents niya, hindi na siya nasundan