Kinabukasan nagulat pa siya nang pag gising niya nakahanda na muli ang almusal nilang mag asawa. Inagaan pa naman niyang magising para maghanda ng almusal nila ni Arkin. Nagkasundo na sila kagabi na kapwa nila irerepesto ang isat-isa at hindi siya pipilitin ni Arkin na sipingan ito kung ayaw niya. Isama pang ituturing siyang asawa nito sa loob at sa labas man ng kanilang tinitirhan. Naging maayos ang lahat ng kanilang napag-usapan ni Arkin. Isama pang wala ng ibang babae pa ang asawa, wala na si Jackie at wala ng magiging babae pa ito. "Good morning sweetheart," nakangiting bati sa kanya ni Arkin nang mapansin siyang nakatayo at nakatulala sa habang nakatingin sa ibat-ibang pagkain sa mesa na inihanda ng asawa para sa kanila, bagay na siya dapat ang gumawa. "Go- good.. morning," utal n