"Kung alam ko lang na sa ganitong restaurant mo ako dadalhin di sana nag effort akong magbihis, hindi ganito na naka uniform lang ako,' saad niya nang makapasok na sila sa isang restaurant na pang sosyal at talagang pang mayaman pa. Nagpa reserved pa nga si Arkin sa VIP para sa kanilang dalawa. Akala kasi niya sa coffee shop lang sila nito pupunta kaya hindi na niya naisipan pang magbihis ng medyo formal. "Nakakailang tuloy,' dagdag pa niya kay Arkin. "Tayong dalawa lang naman ang andito, kaya walang problema iyang suot mo," tugon sa kanya ni Arkin at sumenyas na sa waiter na naghatid sa kanila sa pwesto nila. Agad namang lumapit ang waiter at iniabot sa kanila ang menu na para makapili na sila ng kanilang kakainin. Hindi naman kasi sila mayaman katulad ng mga Dela Vega kaya wala siy