"After nating ikasal dito, babalik na tayong tatlo sa San Nicolas, doon na tayo magsasama-sama, at hindi mo na kailangan pang magtrabaho pa dito Anisha. Kaya kong ibigay sa iyo ang buhay na pinapangarap mo para sa iyo at kat Arkin," litanya niya kay Anisha na nakatingin sa kanya. "You think matatanggap na ko ng Mama mo?' Anisha asked. Hindi niya agad nasagot ang tanong nito. Bago kasi siya umalis ng San Nicolas kinausap pa siya ng Mama niya about kay Mica, nais nitong ayusin niya daw ang naging problema nila ni Mica. Which is hinding-hindi niya gagawin. Dahil hindi naman si Mica ang nais niyang makasama habang buhay. Hindi si Mica ang mahal niya, kundi si Anisha. "To be honest, Anisha," simula niya. Wala siyang balak na magsinungaling kay Anisha at paasahin ito sa bagay na hindi rin nam