Kinabukasan matapos ang unang gabi nilang pamilya sa kanilang permanenteng tahanan nag decide siyang puntahan na ang kanyang mga magulang kasama si Vince at Arkin. Oras na marahil para iharap niya sa kanyang pamilya ang asawa at anak. Alam niyang magugulat ang mga magulang pero, matatanggap din sila. Hindi katulad ng Mama ni Vince, na baka hanggang ngayon eh hindi pa rin siya matanggap para sa kaisa-isa nitong anak. Ok lang naman sa kanya na hindi siya tanggapin ng Mama ni Vince ang mahalaga ay matanggap nito ang si Arkin. Wala naman kasing kinalaman si Arkin sa naging gulo nila noon. Isa pa bunga si Arkin ng pagmamahalan nila ni Vince. Matapos nilang mag almusal agad na silang naghanda para sa pag-alis binihisan na niya si Arkin at sinabi sa anak kung saan sila pupunta nito. Agad na niya