"Penny, mga bata palang kayo ni Arkin napag-usapan na namin ang tungkol dito. At ngayong eighteen ka na, nasa tamang edad ka na, kaya wala ng dahilan pa para patagalin pa ang pagpapakasal niyo ni Arkin," paliwanag sa kanya ng ina. Napatulala siya sa ina habang nakikinig rito. Nakabukas ang kanyang bibig pero wala ni isang salitang lumabas sa kanyang bibig. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin, ano nga ba dapat niyang i react sa sinabi ng Mommy niya. Eighteen na siya kaya dapat na siyang ikasal kay Arkin? Si Arkin na mula pagkabata nila eh nagkaroon na siya ng lihim na pagtingin rito. Si Arkin n lihim niyang pinpangarap sa malayo. Si Arkin na mahal na yata niya. "Penny, wala namang dahilan para tanggian mo si Arkin. Magkababata kayo, mga bata palang kayo magkakilala na kayo at magkaibi