"Lalabas ka kasama ang mga katrabaho mo anak?" Tanong ng nanay niya nang makita siyang pababa ng hagdan na may bitbit na bag. "Opo nay, kakain lang po kami sa labas. Mag celebrate lang po ng kaunti sa success po ng work namin," pagsisinungaling niya sa ina. Hindi naman kasi ang mga katrabaho niya ang kasama niyang lalabas kundi si Vince. Wala naman siyang choice kung hindi pa niya pagbigyan si Vince na magkausap na sila at tapusin na ang kabaliwan nito. Alam niyang hindi rin naman siya titigilan ni Vince, kukulitin at kukulitin lang siya nito. Aaminin niyang may nararamdaman siyang kakaiba kay Vince, at gusto niya ang kakaibang iyon, lalo na ang marahas nitong paraan sa tuwing hinahalikan siya nito. Hindi nga niya maipaliwanag sa sarili kung bakit tila nagugustuhan niya ang way na iyon n