"May problema ba kayo ni Jackie? Nabanggit kasi niya hindi mo daw siya tinawagan ilang araw na, hindi ka din daw nagtutungo sa condo niya?" Tanong sa kanya ng kaibigang si Jiwo nang magkita sila nito sa isang bar. Tinawagan siya ng kaibigan at nais daw siya nitong makainuman. Pumayag naman siya nais din kasi niyang uminom at syempre ng makakausap sa ganitong sitwasyon niya. Ilang araw na mula ng makausap niya si Penny, about sa plano ng kanilang mga magulang. Napansin niyang mukhang walang balak si Penny na umayaw sa gusto ng parents nila. Marahil dahil bata pa ito at hindi pa nito alam kung ano ang pinapasok nito. Noong eighteen din naman siya at ipaalam ng parents niya ang tungkol sa bagay na iyon, hindi naman siya na bother, binalewala nga lang niya wala pa kasi siyang makitang problem