"I don't understand, Arkin," she said. Napakalabo kasi ng sinabi nito. Ikakasal sila nito at magiging mag asawa pero hindi nito hihiwalayan ang girlfriend nito. Ano ang magiging papel niya sa buhay nito kung ganon? "Simple lang naman Penny ang nais kong mangyari. Sumunod tayo sa mga magulang natin at the same time sundin din natin kung ano ba talaga ang gusto natin," paliwanag nito sa kanya. Iniling niya ang ulo pahiwatid na wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi nito. "Magpapakasal tayo Penny sa Judge na kakilala ko this week, hindi na natin patatagalin pa ito, pagbigyan na natin ang gusto ng ating mga magulang. Huwag na tayong naghintay pa ng isang buwan bago tayo ikasal. Then after the wedding dito ka na titira sa condo ko habang hindi pa ko nakakapagtayo ng sarili bahay para sa at