"I missed you so much, babe,' Jackie sweetly said on the phone. "Ah.. Yeah," tugon niya at napasulyap sa loob ng shop kung saan naroon si Penny. Nasa may cashier pa naman ang dalaga at nakatingin ito sa dako niya. Ngumiti pa ito at kumaway sa kanya, kaya naman kumaway rin siya rito, sabay lakad pa palayo para hindi marinig ni Penny na si Jackie ang kausap niya. Kahit alam na ni Penny ang tungkol kay Jackie hindi pa rin naman niyang kayang kausapin si Jackie pag nariyan si Penny, may respeto pa rin naman siya sa magiging asawa niya at syempre nakakahiya din kahit papano kay Penny. "How's your show?' He asked para naman hindi makahalata sa kanya si Jackie. Nasa ibang bansa ito ngayon para sa show nito, kaya tamang-tama sa pag alis nila ni Penny. "All good, I hope you were here," malambing