"Ikaw na Vince ang pinaka masamang lalaking nakilala ko! Wala kang kasing sama!" Asik niya rito at sinubukan itong itulak palayo sa kanya. Iyon nga lang hindi talaga ito matinag sa kanya. "No Anisha. Kumpara sa ating dalawa para sa akin mas masama ka," Vince said. Iniling niya ang ulo. Nais man iiwas ang mukha niya kay Vince hindi niya nagawa nang haplusin nito ang kanyang mukha sa banayad na paraan. "Be my Mistress Anisha. I promise ibibigay ko ang lahat na kayang bilhin ng pera. Lahat ng materyal na bagay na nais mo makukuha mo. Tutumbasan ko ang nagbibigay ni Thomas sa iyo, Anisha. Pumayag ka lang maging Mistress ko," litanya nito sa kanya habang patuloy ang banayad na pag haplos nito sa kanyang pisngi. Nakakaramdam siya ng kakaiba sa uri ng pag haplos nito, isama pang para siyang k