"Alam na yata ni Mama na nakabalik na ko ng San Nicolas," he said nang samahan ang kanyang mag ina sa may komedor para mag almusal na. Maaga ngang nagising si Anisha para ipaghanda siya ng susuotin niya sa pagpasok sa opisina. At nang matapos naman ito sa damit niya lumabas na rin ito ng silid nila kasama si Arkin para naman daw maghanda ng kanilang almusal. Asawang-asawa na talaga ang kinikilos ni Anisha sa bahay nila. Ramdam na niyang isa na siyang pamilyadong tao at masaya siya dahil napakasarap sa pakiramdam na may nag-aasikaso na sa kanya sa mga personal niyang kailangan. "Bakit?" Tanong ni Anisha sabay tayo. "Tawag kasi siya ng tawag kanina pa. Hindi ko na muna sinasagot,' tugon niya sa asawa. Tumango naman ito at nagpaalam na kukunin lang ang mainit na kape sa may kusina. "How's