Kanina pa siya hindi mapakali sa paghihintay kay Arkin, nag-aalala kasi siya sa asawa baka kung napano na ito sa biyahe lalo na't marami itong iniisip isama pang nakainom na rin ang asawa, kaya sobra ang kanyang pag-aalala. Habang paroo't parito siya sa may sala at patingin-tingin sa orasan narinig niyang bumukas ang pintuan ng unit nila. Napapitlag pa siya at mabilis na lumingon at nakita ang asawa na papasok na sa loob ng unit. "Arkin," tawag niya sa asawa at mabilis na lumakad palapit rito para salubungin ito. "Penny," tawag nito sa kanya at mabilis niya itong niyakap ng mahigpit. "Nag-alala ako sa iyo," naiiyak niyang sabi sa asawa habang yakap niya ito ng mahigpit. Gumanti ng yakap sa kanya ang asawa. "I am ok, sweetheart," bulong ni Arkin habang yakap din siya nito. "Thank yo