Excited siya na kinakabahan nang makapag park na si Lexie ng sasakyan sa labas ng bar. Ito ang unang beses niyang makakapasok sa loob ng isang bar. Marami sa mga kaklase niya at kaibigan na nakakapasok na sa mga bar at dahil wala pa siyang eighteen noon, hindi siya nakakasama, pero ngayon eighteen na siya wala ng dahilan pa para hindi siya makapasok sa loob. "Are you excited?" Tanong sa kanya ni Lexie habang naglalakad na patungo sa bar. "Sobra," gigil niyang tugon sa kaibigan. At least bago man siya maikasal kay Arkin maranasan na niyang makapag bar. Nakakahiya naman kasi kung kailan kasal na sila ni Arkin doon pa niya maisipang mag party, party sa bar. "Penny! Penny!" Narinig niyang tawag sa kanya. Sabay pa sila ni Lexie na hinanap ang tumatawag sa kanya. "Vlad?" Usal niya nang mak