"Kasal!" Bulalas ni Lucy sa kanya nang ikwento sa kaibigan ang naging usapan nila ni Vince. Wala siyang hindi sinabi sa kaibigan, para maintindihan nito ang nangyayari sa kanila ni Vince. Alam na rin ni Lucy na hindi natuloy ang kasal ni Vince kay Mica. Sinabi rin niya sa kaibigan na single na single na si Vince, kaya this time wala siyang masasaktang kapwa niya babae. "Ang bilis ni Vince ah,' sabi pa ni Lucy sa kanya. Masyado ngang mabilis ang mga pangyayari sa kanila ni Vince. Ilang araw palang naman mula nang magkita sila nito sa Australia tapos ngayon nais na nitong umuwi na sila ng San Nicolas bilang isang pamilya at pakakasalan siya nito. Sadyang napakabilis ng mga pangyayari at mga desisyon ni Vince para sa kanila ni Arkin. "Anong gagawin ko?" Naguguluhan tanong niya sa kaibigan