"Kuya Arkin, tulungan na kita," habol pa sa kanya ni Vlad habang buhat-buhat niya ang walang na si Penny palabas ng bar. "Kaya ko na ito Vlad. Mag-usap tayo mamaya pag nahatid ko na si Penny sa bahay nila," mariing tugon niya sa kapatid at hinablot ang hawak nitong bag ni Penny. Hindi naman na tumugon pa sa kanya at kapatid at hindi na rin ito sumunod pa sa kanya. Wala naman siyang pakialam sa mga matang nakasunod sa kanila ni Penny habang papalabas sila ng bar. Wala duda na nawalan lang ng malay si Penny dahil sa nainom nitong alak. Sa pagkakaalam niya hindi pa naman ito umiinom ng alak. Maybe ito ang unang pagkakataon, dahil nga eighteen years old na ito. Maingat niyang sinakay sa likod ng kotse ang walang malay na dalaga. Saka na siya sumakay sa driver seat. Binuhay niya ang makin