Mabilis na lumipas ang mga araw at dumating na ang araw na matagal na niyang pinakahihihintay iyon ay ang pag-iisang dibdib nila ni Vince. Dumating na rin sa Australia ang kaibigan ni Vince na si Gov. Kian at ang maganda nitong asawa na si Amanda. Napakabait nga sa kanya ni Amanda at ilang araw palang mula nang magkakilala sila eh feeling close na sila agad. Mabait rin si Gov. Kian. Inakala pa nga niya noong una na matanda na ang sinasabing Governor ni Vince, iyon pala eh ka edaran lang nito. Sadyang maaga lang itong pumasok sa pulitika. Simpleng kasal ang gaganapin sa kanila ni Vince. Tanging ang mag asawang Gov. Kian at Amanda, at si Lucy lang ang invited at makakasaksi sa pag-iisang dibdib nila nila ni Vince at syempre present ang kanilang cute na cute, gwapong-gwapong anak na si Arki