Chapter-8

1713 Words
Sa Dela Vega Golf Club siya inihatid ng driver ni Vince. Ewan niya kung bakit dito pa sila mag me-meeting, pwede naman sa mismong hotel na lang. Dahil ba nakita siya ng Mama nito kahapon sa hotel at tiyak na tinalakan si Vince ng Mama nito, dahil naroon siya. Siya pa naman ang huling taong nais makita ni Mrs. Dela Vega. Taas noo siya lumakad papasok sa loob ng golf club. Mabuti na lang din ang nakapag-ayos siya ng husto. Well, hindi naman siya nag-ayos dahil magkikita sila ni Vince, natuto na kasi talaga siyang mag ayos ng kanyang sarili mula ng makapag trabaho siya sa kompanya ni Thomas. Kailangan kasi presentable siya dahil humaharap siya sa mga kliyente. Walang kinalaman si Vince sa maganda niyang pustura ngayon. Naka business attire naman siya, professional na professional ang datingan niya, nakasuot din siya ng heels, para naman magmukha siyang brainy. Nakakatalino kasing tignan pag naka heels ang isang babae. Isama pang ang apply siya ng make up sa mukha, tamang make up lang para lang ma lighten ang kanyang magandang mukha. Maganda naman kasi siya, at mas gumanda siya ng naglagay ng make up. Inayusan rin niya ang kanyang mahabang buhok na nilagyan niya ng pa wave sa may dulo. Ano man ang effort niya sa pag-aayos ngayon, wala pa ring kinalaman si Vince. Ganito talaga siya kung humarap sa mga kliyente. "Hi, Miss Anisha, kanina pa po kayo hinihintay ni Sir," sabi ng receptionist na napagtanungan niya. Ngumiti naman siya rito at agad na siyang tinuro kung saan naroon si Vince. Pinasamahan pa siya nito sa isang babaing staff. Malaki kasi masyado ang golf club at marami rin mga taong naroon, na paniguradong mayayaman din katulad ni Vince. Ang mga nagpupunta lang naman kasi sa ganitong lugar eh mga mayayaman lang. Membership palang kasi sa golf club eh hindi na afford ng isang nasa middle class lang. Kung target mo sigurong makatisod ng mayaman mag invest ka sa membership para makapasok ka. Habang naglalakad hindi niya maiwasang mapasulyap sa napakagandang tanawin sa labas. Hindi tuloy niya napigilan ang mapangiti ng may maalala sa nakaraan. Minsan na kasi siyang dinala ni Vince sa golf club ng pamilya nito noong mga bata pa sila at mag nobyo pa sila nito. Naging maganda ang experience niya noon, dahil naglaro sila ng golf ni Vince kahit hindi siya marunong, tinuruan pa nga siya nito pero hindi talaga siya marunong. At sa golf club siya mismo unang nahalikan ni Vince sa labi. Napahugot siya ng malalim na paghinga sa ala-ala ng nakaraan na alam niyang hindi na niya mababalikan pa. "Dito po Ma'am," sabi ng babae sa kanya at ito na rin ang kumatok sa pintuan at sumilip sa loob. "Good morning Sir, andito na po si Miss Anisha,' sabi pa ng babae. Wala siyang narinig na tugon mula sa loob ng silid. "Pasok na po kayo Ma'am sabi sa kanya ng babae. "Salamat,' pasalamat niya at agad na rin itong umalis at iniwan siya sa tapat ng saradong pintuan. Nakailang hugot siya ng malalim na paghinga at inayos pa ang sarili. Saka tinaas ang kanyang mukha. Gaya ng sabi niya kanin kung nais ni Vince makipaglaro sa kanya, makikipaglaro siya. Sasabayan niya ang trip nito. Taas ang mukha niya nang pumasok sa loob. Agad niyang nakita si Vince na nakatalikod. Nakatayo ito sa may salaming bintana at nakatingin sa labas. Nagawa na niyang maisara ang pintuan pero hindi pa rin lumilingon sa kanya si Vince na para bang hindi man siya nito naramdaman pumasok. Kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataon para mapagmasdan ang maganda nitong likuran. Kahit likod palang ni Vince eh masasabi niyang nakakabusog na. Noon pa man maganda na ang pangangatawan ni Vince, at marahil sa paglipas ng mga taon, lalo nitong napaganda ang katawan nito. Napalunok pa siya nang madako ang kanyang mga mata sa matambok na pang-upo ni Vince. Ewan niya pero na attract siya sa hubong ng pang-upo nito. Agad naman siyang nagtaas ng mukha at inalis ang mga mata sa pang-upo nito nang mapansin niyang paharap na ito sa kanya. Buti na lang din at alerto siya hindi siya nahuli ni Vince na titig na titig na animo naglalaway sa mahumbok nitong pang-upo. "Good morning Mrs. Anisha Ocampo," bati sa kanya ni Vince. "Good morning Mr. Dela Vega," professional na bati niya kahit kumabog ang kanyang dibdib nang masilayan ang gwapong mukha ni Vince. Sobrang gwapo na nito noon. Ang dami ngang naghahabol na mga babae rito noon, pero mas gwapo at mas matigas na ang dating nito. Iyung tipong lalaking-lalaki na ito tignan. Malakas ang s*x appeal nito, at lalong lumakas sa paglipas ng panahon. Kahit naman siguro sinong makaharap na babae ni Vince eh mararamdaman ang ganito sa nararamdaman niya. Kabado, tense, excitement? Ewan niya bakit halo-halo ang nararamdaman niyang emosyon. "Buti at dumating ka Miss Anisha," sabi nito. "Trabaho ito. Ginagawa ko lang ang trabaho ko,' she said. "And also buti at hindi mo kasama ang lover mong si Thomas," sabi nito na tila ba nanunuya. Hindi siya tumugon sa panunuya nito. Nanatili lang siyang nakatingin rito at walang emosyon. "Do you remember this place, Anisha?' Vince asked. Kinagulat niya ang tanong nito sa kanya, pati na ang pagtawag nito sa kanyang Anisha lang wala ang Miss. "Why should I?' Taas kilay na balik tanong niya rito. Ngumisi si Vince at hinawakan ang labi nito. Sadya nitong nilaro ang labi nito sa daliri. Nais niyang umiwas ng tingin dahil hindi niya gusto ang nakikita. May kakaibang init kasi siyang nararamdaman, kahit pa sabihin na malamig ang buong silid. "Wala ka man lang ba idea kung bakit dito kita pinapunta?' Vince asked. Hindi nga siya nagkamali hindi meeting ang mangyayari. May niluluto talagang laro ang lalaking kaharap niya. At handa naman siyang makipaglaro. "Of course meron. This is about our team project. Medyo off lang dahil nag set ka ng meeting na wala ang boss ko o ang mga ka team ko," she said. Nanatili pa rin sa kanya ang pagka professional sa pakikipag-usap sa kaharap. Hindi niya nais makasilip si Vince ng kahinaan niya "Sinadya kong wala ang lover mo Anisha,' sabi nito at humakbang palapit sa kanya. "Again, Thomas is my boss. He is not my lover," sa pagkakataon itong tinama na niya ang maling akala nito na may pag diin. Ngumisi na naman si Vince at huminto sa pag hakbang. Nakangisi ito pero hindi nakakainis ang ngisi nito. Paano lalong lumalakas ang s*x appeal nito sa pag ngisi. Aaminin niyang naaapektuhan siya, sadyang nagmamatigas lang siya at hindi nagpapahalata. Tiyak na matutuwa si Vince pag napansing apektado siya. "Ganoon ba. Eh ano siya financer mo? Isa sa mga lalaking pineperaan mo huh Anisha?" Tanong nito sa kanya at umandar na naman ang malisyong pagsuri nito sa kasuotan niya. Kahit wala namang cleavage siyang nakalitaw nagtagal pa rin ang mga mata nito sa dibdib niya. May kalakihan kasi ang dibdib niya na bumagay naman sa pettite niyang katawan. "Isipin mo Mr. Dela Vega kung ano ang gusto mong isipin. Narito ako para sa trabaho," mariin niyang sabi. Nalipat naman ang mga mata ni Vince sa makinis at mapuputi niyang hita. Noon pa man maganda na ang kanyang hita. Isa na sa kanyang asset ang pagkakaroon ng makinis at kaakit-akit na legs. At lalo pang gumanda ang mga iyon nang kumikita na siya ng pera, dahil kaya na niyang bilhin ang kailangan niya para sa kanyang katawan. "Kilala kita Anisha. Kilala ka ng mga tao sa bayan ng San Nicolas. Alam nila kung anong klaseng babae ka," sabi pa nito at humakbang palapit sa kanya Hindi siya nagpatinag sa paglapit nito sa kanya. Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan na nakataas ang mukha. "Wala akong pakialam kung ano man ang iniisip sa akin ng mga tao sa bayan na ito. Hindi ko naman problema iyon. Problema nila," taas kilay na sabi niya. "I like that. Ibang-iba ka na ngayon Anisha," sabi nito habang makamandag na nakangisi sa kanya. Hindi niya alam kung saan papunta ang larong ito ni Vince. "Masyado ka naman yatang kumportable sa pagtawag sa aking pangalan Mr. Dela Vega!' Taas kilay na sabi niya. Pansin ka niyang kanina pa Anisha lang ang tawag nito sa kanya. Nawala na yata sa isip nito na nasa oras sila ng trabaho, at dapat lang na kapwa sila professional. "Why not? May pinagsamahan rin naman tayo hindi ba," saad nito at humakbang na palapit sa kanya. Hindi siya nagpatinang nang huminto ito sa tapat niya at pinaandar na naman nito ang malisyosong tingin nito sa kanya. "Alam ba ni Thomas na may namagitan sa atin noon ah Anisha?" Tanong nito at akmang hahaplusin sana nito ang pisngi niya ng tinabig niya ang kamay nito. "Stop it!" Mariing sabi niya. Aatras na sana siya para makalayo rito nang marahas siyang hinila ni Vince sa may bewang niya. Napatili siya at sumubsob sa malapad nitong dibdib. "Alam ba ni Thomas na may nakaraan tayo?" Tanong nito muli. "Let me go!' Pilit kumakawala sa paghahawak nito. Lalo naman siyang sinisiksik ni Vince. "Ano ba! Vince!' Hiyaw niya. "May idea ba si Thomas kung ilang milyon ang nakuha mo sa pamilya ko. Habang ako halik at hawak lang sa katawa mo ang nakuha ko!" Saad nito. Puno ng inanakit ang tinig nito. "Anong bang pinagsasabi mo Vince! Bitiwan mo nga ako!" Asik pa rin niya kahit wala siyang laban sa lakas nito pilit pa rin siyang nagpupumiglas. "Maybe dinala ka sa akin ng tadhana para pagbayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa akin sa buong pamilya ko. Lahat ng pera, kahihiyan at sakit Anisha!" Mariing sabi nito sa kanya. Dahil sa kasinungalingan ng Mama nito kaya kung anu-ano ang sinasabi nito sa kanya. Wala siyang kasalanan at wala siyang perang tinanggap sa pamilya Dela Vega, sadyang malaking sinungaling lang ang Mama ni Vince. Nagtitili siya nang maramdamang umangat ang kanyang paa sa semento. Binuhat siyang walang kahirap-hirap ni Vince. "Vince! Ibaba mo ko!' Tili niya ng malakas habang buhat pa rin siya ni Vince at naglalakad patungo sa may desk nito. Laking gulat niya nang walang hirap siyang naihiga ni Vince sa ibabaw ng mesa nito at bago pa siya makabangon agad na itong umibabaw sa kanya. "Get off!" Malakas na sigaw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD