Kabanata 6

1052 Words
Kiley’s Point of View Ang sarap sabunutan ng Artem na ‘to. Kaya siguro Artem ang pangalan kasi maarte! Gosh, inaalay ko na nga ang palay sa kanya, tutuka na lang ayaw pa? Hindi niya ba alam na maraming manok na ang kumahig sa akin pero never nakatuka? Tapos siya, itataboy lang ako? Ang sungit pa! Akala mo naman gwap—well, gwapo talaga. Hot. Sexy. Masarap. Ulam. Dessert. Jackpot. Oo na, attractive na, pero physically lang. Bagsak sa ugali! Pabagsak akong umupo sa desk ko. Hindi ba niya alam na ang aga kong gumising para makapag-ayos lang at siguraduhing makakakita siya ng dyosa pagkapasok niya sa trabaho? Buo na nga ang araw ng mga guard at janitor na nakakita sa akin kanina, eh. Tapos siya, itataboy lang ako na para bang isa akong langaw—isang sexy, maalindog, at masarap na langaw? Nasayang lang ang effort ko. Kung maghubad na lang kaya ako sa harapan niya? Kung bumukaka na lang ako diretso at ipakita ang pink kong rosas? Baka ‘yon ang gusto niya. Huminga na lang ako nang malalim saka tiningnan ang schedule niya ngayong araw. “May meeting siya at 10:00AM,” bulong ko sa hangin at agad tiningnan ang mga kakailanganin kong ihanda para sa meeting niya. Inayos ko na rin ang mga appointments niya para sa susunod na linggo. Ayokong may masabi siya. Gusto kong ipakita sa kanya na hindi lang ako maganda, sexy, at masarap kundi magaling din na secretary. Baka pala sapiosexual siya—mas attracted sa taong magaling at matalino. Lumapit ako sa kanya. Pero ‘di gaanong malapit dahil baka sakmalin niya ako sa inis. Halos mag-isang linya kasi ang kilay nito nang mapansin akong lumalapit. “Sir, you have a meeting with Mr. Beaumont at 10:00AM,” paalala ko sa kanya. “Who’s that?” “He’s the representative of Lacosta Holdings,” tugon ko. “I forgot about him. What’s the agenda of the meeting?” aniya na para bang sinusubukan niya ang aking kaalaman. Hmm, p’wes! Nang hindi tumitingin sa iPad ko ay sumagot ako, “It has something to do with the expansion plan of PGC, specifically with its goal to enter the logistics industry.” Ngumiti ako sa kanya nang pagkatamis-tamis, iyong ngiting nakakatigas ng tit— huy hindi. “Also, I already prepared all the necessary preparations including the revised proposal.” Hindi siya nakapagsalita. Tumingin lang siya sa akin na bahagyang nakaawang ang bibig saka siya marahang tumango at nag-iwas ng tingin. “O-Okay. As you should,” aniya saka bumalik sa ginagawa. Napangisi na lang ako saka bumalik sa desk ko. Ano ka ngayon? Akala mo siguro ganda at sarap lang ang meron ako, ha! Habang nasa kalagitnaan ako ng trabaho ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking tingin ko’y nasa mid 40’s na. Nakasuot ito ng itim at pormal na suit habang maayos na nakasuklay pataas ang kanyang itim na buhok na may iilang puting hibla.May kasama siyang lalaki na tingin ko’y nasa 30s na at may dalang isang folder. Kunot-noo itong bumaling kay Artem. Nakita ko sa likuran nito si Sandy na tila tarantang sumunod, pero hindi na tumuloy pa. “Artem!” Dumagundong ang boses nito. “What was the meaning of this?!” Kinuha nito ang folder at pabagsak na inilagay sa table ni Artem. Tila hindi natinag ang boss ko sa agresibong ugali ng lalaki. “It’s already stated there, uncle,” kalmadong sagot ni Artem habang patuloy pa rin sa ginagawang trabaho. “Revise the proposal.” “Ilang beses ko na ‘tong binago!” Hinampas nito ang mesa. “Approve this proposal or—“ “Or what?” putol niya sa sinasabi nito. Doon na siya nag-angat ng tingin at sinalubong ang nanlilisik na mata ng lalaking tinawag niyang uncle. “You’ll threaten me?” Tumayo siya para magpantay ang tingin nila. “Do you think you can do that, Uncle Victor?” “Huwag mo akong hinahamon, Artem. Approve this proposal now!” “Hindi kita hinahamon. I am merely reminding you of your position,” aniya saka inilapit ang mukha sa kanyang uncle. “Revise the proposal based on my suggestions then I will sign it. That’s the only thing you can do to have it approved.“ Kita ko kung paano ikuyom ng uncle niya ang kamay nito. “Masyado nang malaki ang ulo mo, Artem. Mukhang oras na para ibalik ang mga paa mo sa lupa,” mariing sabi nito. “Then go ahead and try,” mapanghamong sagot ni Artem. “The board prefers achievements, Uncle. If you want to win them over, show them results. But I doubt you can do that anytime soon, considering how you struggle to get one proposal approved,” sarkastikong dagdag niya saka mapang-asar na ngumisi. Susuntukin na sana siya ng uncle niya pero pinigilan ito ng secretary nito. “Sir, calm down.” Marahas na kinuha ng uncle niya ang folder saka matalim siyang tiningnan. “May araw ka rin sa akin, Artem. Tandaan mo ‘yan!” sigaw nito saka sila tuluyang umalis. “Was it a good watch?” tanong niya sa akin. “S-Sir, I…I didn’t mean to see that,” paliwanag ko. “No, I think it’s better for you to see that,” aniya at tumingin sa akin. “If you continue to work for me, madadamay ka sa galit nila,” dagdag niya. “If you don’t want that, quit.” “No, sir,” diretsong sagot ko. Wala nang isip-isip pa. Hindi ako pwedeng mag-quit, ‘no. Nakasalalay rito ang buhay ng nanay ko. “I’ll stay with you.” Wala akong pakialam kung pahirapan nila ako. Sanay na ako sa hirap. At mas mahirap sa akin na makita ang nanay ko na naghihirap sa sakit niya. Kaya titiisin ko ang lahat para sa kanya. Titiisin ko itong maarteng boss ko at kung ano pang mga kabwisitang naghihintay sa akin. Laban! “Let’s see how long,” aniya saka niya isinara ang laptop na dala. “Let’s go.” ‘Hanggang sa maerbogan ka sa akin, sir.’ Iyon sana ang isasagot ko pero baka masapak ako nang wala sa oras kaya tipid na ngiti na lang. Ayokong maging sekretaryang may black eye, ‘no!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD