“These are the things you should do.” Ipinakita sa akin ni Sandy ang checklist ng tasks na gagawin ko bilang secretary ni Mr. Artem. “These are the tasks done by his former secretaries. Heto rin ang work phone na gagamitin mo aside sa telephone,” dagdag niya pa sabay bigay sa akin ng iPad at cellphone. “But mind you, no one has ever been able to perform these tasks. Lahat sila natanggal bago pa man nila magawa ‘to lahat. There are even some who didn’t last a week, or worst a day.”
“Thank you for the warning, I’ll take that in mind,” nakangiting sagot ko.
Alam kong gusto niya akong i-discourage, pero hindi ‘yon mangyayari. Walang makakapag-discourage sa akin dahil matindi ang pangangailangan ko sa pera.
“You should. Dahil baka hindi ka lang abutin ng araw,” aniya.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “May problema ka ba sa akin, Ms. Sandy?” prangkang tanong ko sa kanya. Pansin ko kasi na parang hindi niya ako gusto. Iba ang mga titig niya, eh. Parang may galit sa akin.
“Wala naman. Dahil lang naman sa ‘yo kaya hindi ako naging secretary ni Mr. Plonder,” tugon niya.
“Dahil sa akin?” Peke akong tumawa para asarin siya. “Wala akong kasalanan diyan, Ms. Sandy. Binigyan lang ako ng trabaho, and I grabbed it. Don’t direct your anger at me, doon ka sa hiring manager magalit,” matapang kong tugon at tinaasan siya ng kilay.
“Akala mo ba hindi ko alam ang diskarte ng mga tulad mo? Sigurado akong may…” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka siya umismid. “…may ginawa kang ‘pabor’ para masungkit mo ang trabahong ‘to.”
Kung akala niya ay mao-offend ako sa sinabi niya, p’wes hindi. Para sa akin ay papuri ang sinabi niya. “Gano’n ba? Bakit ‘di mo subukang gumawa rin ng pabor?” makahulugang tanong ko at tiningnan din siya mula ulo hanggang paa. “Oh sorry, I doubt if you can do that kind of favor,” pang-aasar ko saka ko ibinalandra sa kanya ang hinaharap ko. “Hindi ka capable,” pahabol ko saka ko siya nginitian. “By the way, thank you for this. Balik na ako sa office. You know, secretary things.”
Ipinilantik ko ang buhok ko para mas maasar siya saka ako pakendeng-kendeng na naglakad palayo sa kanya.
Wala akong oras para patulan siya. Kay Artem Plonder lang ang buong oras ko.
Pagkapasok ko sa opisina ay pansin ko agad ang tingin sa akin ni Artem. Kulang na lang ay sipain niya ako sa sama ng tingin niya.
Matamis akong ngumiti. “Mr. Plonder, I already have the list of tasks and responsibilities of your secretary,” sabi ko sa kanya saka ako lumapit. “May I have your schedule for this week?” malambing kong dagdag habang ibinabalandra sa mukha niya ang nagyayabang kong mga melon.
“Will you stay away from me?” pagsusungit niya. “Go to your desk. I’ll email my schedule to you.”
“Okay. I’ll wait for it,” nakangiting sagot ko at pa-sexy’ng naglakad papunta sa working station ko.
Sa baba ng monitor ay naroon ang username and password ng accounts kaya hindi na ako nahirapang buksan ang computer. Binuksan ko ang emails at nakita ang most recent email mula kay Artem.
Pagbukas ko ay nakita ko ang buong schedule niya. Agad ko itong inayos.
Maya-maya pa’y nagsimulang mag-ring ang cellphone at telepono ko. Pero dahil sanay na ako sa mga tawag nang tawag na mga kliyente ko noon 24/7, ay sisiw na lang sa akin ang pagsagot sa sabay-sabay na mga tawag. Tatlong cellphone pa nga ang gamit ko dati, eh.
“Sir, you have a meeting at 12:30,” paalala ko kay Artem na abala sa pagtitipa sa laptop niya.
Nang hindi siya sumagot ay hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na lang ako sa trabaho ko. Ang sabi sa akin kanina ni Sandy ay siya ang nagha-handle ng document-related tasks habang ako naman sa appointments. Kaya ang ginawa ko ay inayos ko na lang ang mga nagpapa-appointment sa CEO.
Nang makita kong mag-a-alas dose na ay tumayo na ako at nilapitan siya. “Sir, we have to go. May meeting ka at 12:30PM.”
“Have you called the driver?” aniya.
Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Yes, sir. Si George, tama?”
Hindi siya nakasagot agad, pero tumango rin siya kalaunan saka tumayo.
“How about the doc—“
“These documents?” putol ko sa sinasabi niya sabay pakita ng mga documents na kailangan niyang dalhin para sa meeting niya.
Tumingin lang siya sa akin at nauna nang maglakad.
Napangisi na lang ako. Akala niya, ha! Secretary kaya ako ng Student Buddy noong high school, at secretary din ako ng Student Council noong college. Sanay ako sa mga ganitong trabaho.
At isa pa, alam ko na ang technique ng Artem na ‘yon. Mukhang sinasadya niyang magkamali ako. Naghahanap siya ng paraan na pumalya ako para magkaroon siya ng rason na pagalitan ako at paalisin. P’wes, ‘di ‘yon mangyayari, ‘no.
Dahil liban sa experiences ko noong nag-aaral pa ako, tinutulungan din ako nila Atty. at Lolo Plonder. Iyon na ang tawag ko dahil magiging lolo ko rin naman siya in the future. Eme!
Napailing na lang ako sa naisip ko saka ako dali-daling sumunod sa boss ko. Dahil baka kapag na-late ako ay iwan pa ako. Ayokong patunayan kay Sandy na tama siya, ‘no!
Ako ang magiging pinakamatagal na secretary ng devil billionaire na ‘yon. Sisiguraduhin kong magagawa ko ang pinapagawa sa akin ng lolo niya dahil buhay ang nakasalalay rito kapag pumalpak ako.
Kaya humanda ka sa akin, Artem Plonder. Kahit gaano ka pa ka-devil ay hindi ka oobra sa akin. Hindi ka oobra sa babaeng may matinding pangangailangan!
Papalambutin ko ‘yang matigas mong puso at papatigasin ko yang malambot mong—huy hindi mangmamanyak for today’s video!