Naging mabilis ang pangyayari. Walang nagawa ang mga police. Nakatakas ang sasakyan nila. Sinubukan pa silang habulin but Leo was able to maneuver the car hanggang sa nakalayo sila. "A-Are you okay, Maia?" nag-aalalang tanong sa kaniya ni Ivy mula sa passengers seat. Marahan siyang tumango at bumaling kay James na nasa labas lang ng bintana ang tingin. Leo was calling someone on the phone. Nagbaba ng tingin si Maia. Nararamdaman pa rin niya ang takot at sakit mula sa nangyari kanina. Hindi siya makapaniwalang nagawa siyang tutukan ng baril ni James. Hindi sila napaputukan ng mga pulis dahil nasa loob siya ng sasakyan. "James," tawag ni Leo sa katabi niya habang nagmamaneho ito. "lilipat kayo ng sasakyan mamaya. Kukunin kayo ng kaibigan ko. Ako na ang bahala sa Ate mo. I'll bring her