Halos matulala si Maia sa tanawin sa kaniyang harapan. Magdadalawang linggo na siyang hindi binabalikan ni James. Nag-aalala siya at nitong nagdaang gabi nga ay tahimik siyang umiiyak lagi bago nakakatulog. Wala siyang alam kung nasaan na ito ngayon at ano na ang nangyayari... Ang tanging nagagawa nalang niya ay ang magdasal at humiling. "Tapos ko na ito, Maia." Napabaling siya kay Lola Lydia nang marinig niya itong magsalita. Agad siyang tumayo mula sa kinauupuang malaking bato para tulungan ito. Sinamahan niya ang matanda maglaba rito sa may ilog. "Kaya ko na ito," agad siya nitong inilingan. "kung gusto mong manatili muna rito mauuna nalang akong bumalik." anito. "Basta huwag ka lang magpapadilim." bilin nito. Napangiti si Maia at tumango rito. Ngumiti na rin si Lola Lydia at ini