"Natagalan ka." Wala pa sa sariling nag-angat siya ng tingin kay Maia. Nasa loob sila ngayon ng opisina nito rito sa ospital. Lumapit siya sa babae at yumakap dito. He sighed in her arms. Sabay silang dumating kanina. Pinauna niya lang ito dahil may naiwan siya sa sasakyan. "What's wrong?" agad na may pag-aalang tanong sa kaniya ni Maia habang magkayakap sila. Syempre hindi siya naniwala sa sinabi ng lalaking 'yon. Wala naman siyang kapatid. Nag-iisang anak lang siya ng parents niya. Though he insist. Pinilit pa siya nitong tanggapin ang isang calling card na ngayon ay nasa bulsa ng doctor's robe niya. "Nothing..." aniya nang kumalas sila sa isa't isa. "I just miss you." aniya. Pabiro siyang inirapan ni Maia that made him laugh. Napailing iling siya at pinanggigilan ang magkabil