"You rest." ani James nang makapasok sila sa isang silid ng rest house. Iniwan muna sila ni Attorney Noble pagkatapos ihatid dito. Maagap niyang pinigilan si James sa braso nang tangka itong aalis. Napabaling sa kaniya ang binata. "H-Huwag mo 'kong iwan..." unti-unti siyang nagbaba ng tingin. James sighed. "Sa baba lang ako." Maia nodded gently and slowly let go of his arm. Hinarap siya nito. "Magpahinga ka. You've been crying," Muli siyang tumango at ngumiti rito. He didn't return her smile, tho. Unti unting nawala ang ngiti sa mga labi ni Maia. "Rest." muli at huling bilin ni James bago ito tuluyang lumabas ng kuwarto. Bumaling si Maia sa kama at umupo sa gilid no'n. Lumipas ang ilang sandali ay nagpasya siyang sumunod kay James sa baba. Hindi naman siya pagod... "Everyone