"Shemaia, where are you?" it was her Mom. "Mommy, sorry hindi po ako nakapagpaalam agad. I will be out with Dr. Dustin Castro tonight. It's his birthday. Huwag n'yo na po akong hintayin sa dinner." aniya sa ina mula sa kabilang linya. "Oh. Well, enjoy your date with Dr. Castro, anak." batid niya ang ngiti ng ina. She ended the call. Bumaling siya kay Dustin na nagmamaneho ng sasakyan nito pagkatapos. Nakita niyang umiling ang lalaki. "Wrong move. Dapat pinagpaalam muna kita kanila Doc." bahagya pa itong napangiwi at mukhang problemado. Maia laughed a bit at the man's reaction. "It's okay. Hindi naman na tayo teenager. Isa pa, kilala ka naman nila Mom at Dad." ngumiti siya para pagaanin ang loob nito nang sumulyap ito sa kaniya. Ngumiti na rin si Dustin. The usherette brought t